3 Menor de edad, nasagip sa dalawang Bar sa Gamu, Isabela!

*Gamu, Isabela- *Tatlong menor de edad na nagtatrabaho sa dalawang Restobar ang nareskyu ng mga otoridad habang naaresto naman ang dalawang manager ng bar bandang alas onse kagabi sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela .

Kinilala ang dalawang naarestong suspek na sina Arvin Mallari, 29 anyos, binata, residente ng Songsong, Gamu, Isabela at Jennylyn Radaza, 30 anyos, tubong Muntinlupa City at nangungupahan sa Upi, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nasagip ng mga otoridad sa Oplan Sagip Anghel ang tatlong menor de edad na umano’y dinarayo ng mga sundalo na malapit sa naturang lugar.


Dinala na sa CIDG-Isabela ang dalawang suspek maging ang tatlong dalagitang nasagip para sa kanilang kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ang isasampang kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 laban sa dalawang suspek.

Facebook Comments