3 mga bansa sa Europe, nakapagtala na ng kaso ng Deltacron

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na tatlong mga bansa na sa Europe ang nakapagtala ng kaso ng Deltacron.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang France, Denmark at The Netherlands.

Sa kabila nito, nilinaw ni Vergeire na sa ngayon, base sa mga obserbasyon, wala naman silang nakikitang kaibahan nito sa mga nauna nang lumabas na variants.


Gayunman, patuloy aniya ang pag-aaral dito ng mga eksperto.

Una nang kinumpirma ng DOH na wala pa namang naitatalang kaso sa bansa ng Deltacron.

Facebook Comments