Dumating na sa bansa ang karagdagang tatlong milyong dose ng Sinovac COVID-19 vaccine.
Lumapag ang Philippine Airlines (PAL) Flight PR 359 na may dala ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Huwebes ng gabi.
Ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Consultant Dr. Ma. Paz Corrales, ang panibagong batch ng mga bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.
Aniya, sa kabuuan ay 121,112,370 doses na ng COVID-19 vaccine ang naipadala na sa bansa.
Paliwanag pa ni Corrales, ang bahagi ng mga bakuna ay ilalaan sa mga lalawigan para mapabilis ang kanilang vaccination rollout.
Muli namang nanawagan ang NTF sa publiko na magpabakuna na at sa mga lokal na pamahalaan na bilisan pa ang pagbabakuna.
Facebook Comments