Aabot sa tatlong milyong doses ng Sinovac vaccines ang natanggap ng Pilipinas.
Dakong alas-6:00 kagabi nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga bakuna.
Dalawang milyon dito ay binili ng Pilipinas habang donasyon ng China ang natitirang isang milyon.
Pinangunahan nina Chinese Ambassador Huang Xillian at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang pagdating ng mga bakuna na inaasahang magiging tulong sa paghahanda para sa ibibigay na ikatlong doses.
Batay sa tala ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 as of October 24, umabot na sa 97,678,340 doses ng bakuna ang natanggap ng bansa.
55,506,176 ang naiturok na kung saan 29,891,810 ang unang dose at 25,614,366 ang para sa ikalawang dose.
Facebook Comments