3 million Janssen vaccines, ilalaan para sa mga probinsya – Galvez

Ilalaan sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao ang higit tatlong milyong doses ng single-shot Johnson & Johnson (J&J) COVID-19 vaccine.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 3,239,400 doses ng J&J vaccine ang darating sa bansa ngayong linggo.

“Napakalaking tulong kasi one shot ang J&J at ito po ay ibibigay sa island provinces at sa lahat ng karatig-pook ng Mindanao at saka  Visayas,” sabi ni Galvez.


Nasa pitong milyong tao ang target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated sa katapusan ng Hulyo.

Tatapusin na rin ang pagtuturok ng second dose sa healthcare workers.

Nasa 300,000 hanggang 400,000 COVID-19 jabs ang target na maisagawa ng pamahalaan kada linggo.

Samantala, nais din ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng mga guro sa katapusan ng Agosto sakaling aprubahan ang pagbabalik ng physical classes.

Bukod sa mga guro, target ding makumpleto ang vaccination sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE) , Department of Agriculture (DA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Foreign Affairs (DFA), seafarers, OFWs, at Department of Tourism (DOT), at iba pa.

Facebook Comments