3 milyong customers ng Maynilad sa Luzon, apektado ng malawakang water interruption

Aabot sa tatlong milyong customers ng Maynilad ang apektado ng malawakang pagkawala ng tubig sa ilang lugar sa Luzon.

Kabilang dito ang mga baranggay sa Maynila, Makati, Pasay at Parañaque.

Ayon sa Maynilad, nasa 6.5% nang tapos ang proyekto na magbibigay daan sa flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Hanggang ngayong araw tatagal ang water service interruption.

Pero maaari pa itong ma-extend ng lima hanggang labing-apat na oras.

Sa ngayon, nagpapaikot na ang Maynilad sa mga apektadong lugar ng 65 water tankers kung saan naglagay din ng 16 stationary water tanks sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Nitong October 25 hanggang October 28 dapat isinagawa ang water interruption pero may mga nakiusap na itapat ito sa Undas dahil inaasahan ang maraming uuwi ng probinsya.

Facebook Comments