Umabot na sa 3 million individuals ang lumikas matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa walong rehiyon sa bansa.
Batay sa report ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 720,312 families o 3,027,133 persons sa 5,426 barangays ang apektado ng Ulysses sa National Capital Region (NCR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Cordillera Region.
Nasa 70,784 families o 283,656 individuals ang nananatili sa 2,205 evacuation centers.
Aabot naman sa 39,808 bahay ang napinsala ng bagyo.
Ang Local Government Units (LGUs) at pribadong sektor ay nakapagbigay ng ₱49.8 million na halaga ng relief assistance sa mga apektadong pamilya.