3 milyong pisong reward money para sa makakapagtuturo sa nagtangkang mag-assasinate sa kanya, inialok ng isang negosyante sa Pampanga

Humarap sa media ang negosyanteng si Jeffrey Dizon para ihayag ang alok na tatlong milyong pisong pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa gunman na nagtangkang pumatay sa kanya sa Angeles city, Pampanga.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni Dizon na noong February 29, 2020, tatlong bala ang muntik na kumitil sa kaniyang buhay.

Tumama, aniya, ang bala sa sa concrete wall ng kanyang bahay sa Angeles City kung saan siya nakatayo.


Bagama’t walang siyang pinagbibintangan kung sino ang namaril sa kanyang bahay pero binabanggit niya na dalawang bahay lamang ang nasa loob ng kanilang 20 ektaryang compound.

Hindi naman inaalis ni Dizon ang posibilidad na away negosyo ang posibleng dahilan ng tangkang pagpatay sa kanya.

Ang pamilya Dizon, ang isa sa pinaka malaking land developer sa bansa.

Nangako naman si Volunteer Against Crime and Corruption President Boy Evangelista na aasistehan  ang negosyante para maresolba ang kaso.

 

Facebook Comments