Tiwala ang Commission on Elections (Comelec) na maaabot nila ang tatlong milyong voters application.
Sa pinakahuling datos ng Comelec, 2,725,085 na ang mga narehistro hanggang nitong May 7, 2024.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa 68 million na registered voters ang kanilang target sa 2025 midterm elections.
Nanguna naman ang Region IV-A o Calabarzon sa pinakamaraming naprosesong aplikasyon na halos kalahating milyon.
Sumunod dito ang National Capital Region (NCR) na may 420,212 at Region VII na may 190,393.
Mababa naman ang bilang ng mga voter application sa Cordillera Autonomous Region, Mimaropa at Caraga Region.
Sa ngayon, patuloy ang Voter’s Registration Education program ng Comelec sa iba’t ibang lugar kung saan labingtatlong probinsya pa sa limang rehiyon ang pupuntahan ng poll body hanggang sa katapusan ng Setyembre.