Sumuko sa tropa ng 49th Infantry Infantry Battalion, ang isa pang miyembro ng Dawla Islamiya kahapon sa Camp Darul-Iman, Barangay Sandab, Butig, Lanao del Sur.
Kinilala ni Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, ang panibagong sumuko na si Mosa Amboto Olama, 33 residente ng Barangay Poctan, Butig, Lanao del Sur.
Si Olama na ni-recruit sa Dawlah Islamiyah ni Mahadih Maute, kapatid ni Omar Maute at Abdullah Maute, ay kabilang umano sa mga maute fighters na lumaban sa gobyerno noong Marawi Seige, batay sa ulat ni Brig. Gen. Generoso Ponio, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan.
Isinuko naman ni Olama ang isang US M1 Garand rifle, 5 caliber 30 ammunition, at isang ammunition clip.
Nitong Lunes unang sumuko ang dalawa niyang kasamahan na sina Metalicop Ambayan Bembang at Sabidra Sisomnong Panulong sa military, bitbit ang isang M203 Grenade Launcher, mga bala at bandolier.