General Santos City, Philippines —Kalaboso ang tatlong miyembro ng New People’s Army o NPA sa isinagawang operasyon ng 27th Infantry Battalion at ng Maasim Municipal Police Station Purok River Side, Kablacan, Maasim, Sarangani Province alas 2:00 ng hapon kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Jojo Kolahing Alyas Bunso , Yasmin Atong Sambra alias Tata at Raymond Mansia Damon Alyas Gab, parehong miyembro ng Guerrilla Front 73 ng New People’s Army.
Sinabi ni Police Chief Inspector Canieso Golwingon, Hepe ng Maasim PNP na target ng nasabing operasyon si Jojo Kolahing na nahaharap sa kasong murder.
Pero kasamang inaresto ang dalawang kasamahan nito matapos silang nakunan ng dalawang Granada, isang cal. 45 pistol, mga combat shoes, mga dukumento at tatlong hand held radio na pinaniniwalaang kanilang ginagamit sa kanilang mga operasyon.
Sinabi pa ni Golwingon na matagal na nilang minomonitor ang presensya ng tatong suspek sa kanilang area of Responsibility kaya ng makatanggap sila ng report na nasa isang bahay ng residenti doon ang mga suspek agad nilang ginawa ang operasyon.
Nasa kustudiya na ngayon ng Maasim PNP ang tatlong suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila.
3-miyembro ng NPA, arestado sa Sarangani Province
Facebook Comments