Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa sunog sa San Isidro Street sa Malate, Maynila kagabi.
Kabilang sa nasawi ang isang 47-anyos na lalaking bedridden at dalawang magkapatid na babae na edad walo at 21.
Nakita ang bangkay ng magkapatid sa loob ng banyo ng bahay na magkayakap.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Dalawang katabing bahay ang nadamay.
Mag-a-alas otso na nang maapula ang apoy.
Iniimbestigahan pa ng mga bumbero ang posibleng sanhi ng sunog.
Facebook Comments