3 miyembro ng pamilya sa US, pare-parehong nasawi dahil sa COVID-19

432

Sawi ang isang frontliner mula Florida, US kabilang ang kanyang mga magulang dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa report ng NBC Miami, ipagdiriwang na sana ng mag-asawang Mario at Esperanza Mayorga, 72, ang kanilang 50th anniversary kung hindi nangyari ang trahedya.


Nagtatrabaho ang anak na si Mario Mayorga Jr. sa isang cleaning ng Mt. Sinai Medical Center sa Miami nang masurian itong may COVID-19 noong kalagitnaan ng Marso.

Sumunod nito ay nagpositibo naman ang kanyang ina at kapatid na si Violeta Mayorga, 45.

Unang nasawi si Mario noong Abril 10 na sinundan ng asawa nitong si Esperanza makalipas ang siyam na araw.

Noong Linggo naman matapos nito ay pumanaw na rin ang anak na si Mario dahil sa sakit.



Samantala, maswerteng nakaligtas si Voileta na kasalukuyan namang nagpapagaling sa kanilang tahanan at naka-quarantine kasama ang anak na lalaki.

Facebook Comments