3-month interval sa pagbibigay ng booster shot, ikinokonsidera ng DOH

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na kinokonsidera ng gobyerno na paiksiin ang interval ng pagturok ng COVID-19 booster shot para sa lahat ng brand.

Ayon kay Duque, irerekomenda nila sa Vaccine Experts Panel na ibaba sa tatlong buwan na lamang ang pagitan ng unang dalawang dose ng bakuna at ng booster mula sa orihinal na 6-month interval.

Aniya, tutukuyin nila kung mas epektibo ba ang mas maagang window period upang maturukan ng booster shot.


Sa ngayon, anim na buwan ang inirerekomendang window period sa mga naturukan ng Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.

Habang tatlong buwan ang mga naturukan ng Jannsen.

Facebook Comments