Tatlong myembro ng New Peoples Army na nakabase sa South Upi at may Area of Operation sa Maguindanao at Sultan Kudarat Province ang nagbalik loob sa 6th Infantry Divison.
Sinasabing kinabibilangan ang mga ito ng isang Political Officer , isang recruiter o nang-iengganyo sa komunidad para sa sumama sa kanilang organisasyon at isang mensahero. Ang mga ito ay sinasabing kabilang sa West DAGUMA Front . Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Kampilan Division Commanding General MGen Diosdado Carreon ang muling pagtitiwala sa pamahalaan ng mga sumukong NPA.
Samantala, bukod sa hangaring makapagbagong buhay , aminado ang mga sumukong NPA na nahihirapan na rin sila sa kanilang sitwasyon.
Nagpaabot naman ng paunang financial assistance ang LGU South Upi sa mga ito.
Naging posible ang pagbabalik loob ng mga armado dahil sa naging inisyatiba ng 6th IB at 603rd Brigade.