3 na COVID-19 Patients sa City of Ilagan, Nananatiling Positibo sa Sakit

18

Cauayan City, Isabela- Nananatili pa rin na positibo sa sakit na Coronavirus disease ang tatlo (3) pang COVID-19 patients na naitala sa Lungsod ng Ilagan.

Nilinaw ng Ilagan Taskforce COVID sa kanilang facebook post ang unang naihayag na nagnegatibo na sa virus ang apat (4) na naitalang kaso ng COVID-19 sa Lungsod.


Ayon sa mensahe ni Mayor Jay Diaz ay walang nasabi na ang apat na kaso ng COVID ay negatibo.

Tanging si patient CV60 ng Alibagu lamang ang nagnegatibo sa huling testing.

Hinihintay na lamang ang resulta ng huling testing sa tatlo pang pasyente na sina CV54 CV55 at CV56.

Hinihintay na rin ang resulta ng testing ng mga immediate family ni CV60 mula sa mga araw na ito.

Facebook Comments