3 Namatay sa COVID-19, 38 Panibagong Kaso, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng tatlo (3) na COVID-19 related deaths at 38 panibagong kaso ang Lalawigan ng Isabela.

Sa inilabas na impormasyon ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, August 4, 2021, umakyat na sa 886 ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 at nasa 709 naman ang aktibong kaso pa ng probinsya.

Bukod dito, nakapagtala rin ang Lalawigan ng 42 na bagong gumaling sa COVID-19 na nagdadala sa total recoveries na 27,232.


Nangunguna naman ang bayan ng Tumauini sa may pinakamataas na active cases ng COVID-19 sa Isabela na may 77 infected cases, sumunod ang Luna na may 67 at pangatlo na lamang ang Lungsod ng Cauayan na may 45 aktibong kaso.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 28,827 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments