
Kinumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi pa rin madaanan ang tatlong national road sections sa magkakahiwalay na lugar matapos ang pananalasa ng Bagyong Crising.
Partikular ang mga sumusunod:
1. Kennon Road sa Camp 1, Tuba, Benguet
2. San Vicente – Savidug Chavaya – Sumnanga-Nakanmuan Road sa Brgy. Chavayan, Sabtang, Batanes
3. Dancalan – Candoni – Damutan Valley Road sa Brgy. Gatuslao, Candoni, Negros Occidental
Ayon sa DPWH, ang naturang mga kalsada ay nagkaroon ng pagguho ng lupa, pagbagsak ng mga bato, at landslide.
Habang limitado naman ang access sa anim na national road sections sa:
1. Dugo – San Vicente Road sa Buguey, Cagayan
2. Amungan – Palauig sa Bato, Palauig, Zambales
3. Bacolod South Road sa Negros Occidental
4. Jct. Bagonawa – La Castellana – Isabela Rd., Negros Occidental
5. Hinigaran – Isabela Rd., Negros Occidental
6. Bacolod South Road sa Brgy. Dancalan, Ilog, Negros Occidental
Inatasan na ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang DPWH Quick Response Teams na maglagay ng warning signs at bilisan ang clearing operations sa mga apektadong lugar.









