3 North Korean hackers na nagnakaw ng bilyong dolyar sa mga bangko, kinasuhan na ng US Federal

Tatlong North Korean hackers ang kinasuhan ng US Federal Prosecutors matapos magnakaw ng higit $1.3 billion cryptocurrency sa mga bangko at ilan pang negosyo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakilala ang mga ito na sila Park Jin Hyok, Jon Chang Hyok at Kim Il na pinaniniwalang nagtatrabaho sa Reconnaissance General Bureau, isang military intelligence agency sa nasabing bansa.

Ayon kay Assistant Attorney General for National Security John Demers, ito ang istilo ngayon ng mga North Koreans sa pagnanakaw kung saan keyboard na ang ginagamit nila sa halip na baril at cryptocurrency sa halip na perang papel.


Inilarawan din niya ang mga ito bilang ‘world’s leading bank robbers’.

Facebook Comments