3 Notoryus Drug Personalities, Natimbog sa isang Hotel

67

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang tatlong (3) high value target drug personalities matapos ikasa ang drug buy-bust operation ngayong araw sa isang hotel sa Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Macario Alejo,36-anyos, residente ng bayan ng Luna; Francis Neil Donato,35-anyos, residente ng Brgy. Culing Centro, Cabatuan at isang nagngangalang Dheonne Respicio,51-anyos, residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.


Inihayag naman ni PRO2 Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves, ang matagumpay na operasyon ay bahagi lamang na tuloy-tuloy anti-illegal drugs operation.

Nakumpiska mula kay Alejo ang limang (5) gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000, P1,000-peso bill na buy-bust money kasama ang apat (4) pang piraso ng P1,000 na boodle money; 9mm pistol na may 15 live ammunition, isang cellphone at SUV.

Maliban pa dito, nakumpiska kay Donato at Respicio ang isang backpack na naglalaman ng 500 grams na Marijuana na may street value na P60,000 at mga drugs paraphernalia.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nasa kustodiya ng mga awtoridad.



Facebook Comments