3 NPA at 10 Militia ng Bayan sa Isabela, Sumuko sa Militar!

126

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang tatlong (3) miyembro ng New People’s Army (NPA) at sampung (10) Militia ng Bayan sa loob lamang ng buwan ng Marso ngayong taon.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Col. Gladiuz Calilan, pinuno ng 95th IB, sumuko ang mga ito sa kanilang tanggapan sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.


Kasamang isinuko ng mga ito ang mga dalang armas na isang (1) M14, tatlong (3) M16, mga laptop, backpacks at mga subersibong dokumento.

Ayon kay Col. Calilan, dalawa sa tatlong sumukong NPA ay squad leader at medical officer.

Patuloy naman ang kanyang panawagan sa mga natitira pang NPA na magbalik loob na sa pamahalaan at bukas lamang aniya ang kanilang tanggapan sa sinumang susuko.

Maaari din aniyang lapitan ang mga brgy officials o kahit sinuman kung nais nang magbalik loob at disididong huminto sa gawain at umalis sa grupo.

Facebook Comments