3 NPA fighters, nasa ligtas na kalagayan ayon sa Philippine Army

Tahasang pinabulaanan ng Philippine Army ang mga ulat na dinukot umano ng mga sundalo ang tatlong kasapi ng New People’s Army (NPA) na sina Alia Encelo, Job Abednego David at Peter Del Monte.

Ayon kay Brigadier General Randolph Cabangbang, Commander ng 203rd Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ang 3 NPA ay nahuli ng mga sundalo mula sa isang lehitimong operasyon sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong September 23, 2023.

Sinabi ni Gen. Cabangbang, kasinungalingan ang sinasabi ng grupong Karapatan na ang militar ang nasa likod nang pagkawala ng 3.


Ang 3 ay kasapi ng Main Regional Guerilla Unit kung saan tinangka pa umano ng mga ito na manlaban sa mga awtoridad.

Nahulihan din ang mga ito ng mga improvised landmines at grenades na posibleng gamitin sa pag ambush sa tropa ng pamahalaan.

Dahil dito, mahaharap ang tatlo sa paglabag sa Republic Act (RA) 9516 o Illegal Possession of Firearms, Ammunition or Explosives at RA No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Facebook Comments