3 NPA , isang Cafgu patay 7 sugatan sa bakbakan ng NPA at militar sa bayan ng Makilala North Cotabato

Patay ang tatlong kasapi ng New Peoples Army(NPA) sa naganap na bakbakan kagabi sa barangay Luayon sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng Cotabato.
Mismo si Lt. Lea Canseran ang bagong talagang Civil Military Officer ng 39 Infantry Battalion ang nagpahayag sa pagkasawi ng tatlo NPA ng lusubin ng mga rebelde ang Luayon detachment pasado alas dyes kagabi .
Sa naturang bakbakan ay isang miembro ng Cafgu ang namatay na kinilalang si CAA Apala at pito ang nasugatan na kinabibilangan ng isang sundalo at anim na cafgu
Sa report ay sinalakay ng tinatayang nasa dalawapung rebelde ang kanilang detachment.
Sa nasabing bakbakan ay gumamit ng malalakas na putok ng armas at 105 mm howitzers cannon ang mga sundalo patungo sa direksyon ng mga armado.
Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang combat clearing operation ng militar sa liblib na bahagi sa bayan ng Makilala North Cotabato para habulin ang mga rebelde.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments