3 NPA, sumuko sa militar sa Davao del Norte

Nagbalik-loob sa pamahalaan ang 3 Communist NPA Terrorists sa Sitio Central Buagan, Barangay Palma Gil, Talaingod, Davao Del Norte nitong Sabado.

Ayon kay BGen Allan Hambala, 10th Infantry (Agila) Division Acting Commander, kasabay na isinuko ng 3 ang kani-kanilang mga high-powered firearms.

Kinilala ang mga ito na sina Alias Sander, vice-squad leader; Alias Alvin at isang Alias Toks pawang mga kasapi ng Sub-Regional Sentro De Grabibad na nag ooperate sa Bukidnon at Talaingod.


Sinabi pa ni Gen. Hambala, malaki ang naitulong ng pagsuko ng 3 rebelde sa pagpapanatili ng Insurgency-Free Davao Region.

Sa datos ng 10th ID, mula Enero hanggang ngayong buwan ng Oktubre, umaabot na sa 109 regular NPA members ang sumurender, 134 Milisyang Bayan members, at 67 Underground Mass Organizations members.

Nakakumpiska narin ang Agila Division ng kabuuang 141 firearms na isinuko ng mga dating rebelde.

Facebook Comments