Sumuko na sa militar ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, ang mga sumuko ay kinilala sa mga alyas na Pinoy, Darwin, at Nikoy.
Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na isang M653 rifle at limang 5 caliber pistol.
Sila ay nahikayat ng militar na sumuko sa pamahalaan.
Sa ngayon ay makakatanggap sila ng benepisyo mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Sa ilalim ng programa, makakatanggap sila ng tulong pinansyal at pangkabuhayan.
Patuloy naman ang panawagan ng militar sa mga rebelde nanatili pa rin sa bundok na sumuko na.
Facebook Comments