Walang nakuhang alokasyon ang Office of the Vice President para sa confidential funds sa ilalim ng panukalang 2025 national budget.
Ito ay matapos pormal na isumite ng Department of Budget and Management ang kopya ng 2025 National Expenditure Program sa Kongreso ngayong araw.
Sa naturang 2025 proposed national budget, tinapyasan ang kabuuang nakalaan para sa Confidential and Intelligence Funds (CIF).
Sa pulong balitaan kanina, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mula sa P12.38-B na CIF ngayong taon ay tinapyasan ito at umaabot lamang sa P10.29 billion sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.
Ayon kay Pangandaman, katumbas ito ng labing-anim na porsyentong pagbaba kung ikukumpara sa 2024 national budget.
Ilang kagawaran naman ang bumaba ang nakalaang pondo sa 2025 proposed national budget kabilang na ang mismong Kongreso.
Samantala, tiniyak naman ni Pangandaman na required ang lahat ng ahensiya na sumunod sa guidelines sa paggamit ng Confidential at Intelligence Funds.