3 Operator ng Drop Ball, Arestado!

Angadanan, Isabela – Arestado sa pagsalakay ng mga tauhan ng PNP Angadanan ang tatlong operator ng drop ball sa Calaccab, Angadanan, Isabela.

Hindi na nakapalag ang tatlong suspek na sina Roderick Andaya Camaddu, 38 taong gulang, walang asawa, residente ng Silauan Sur, Echague, Isabela; Lee Robin Tagud Dalupang, binata, nakatira sa Taggapan, Echague, Isabela at si Cristy Andaya Camaddu, 50 taong gulang, walang asawa at residente rin ng Taggapan, Echague, Isabela.

Unang ipinarating sa tanggapan ng pulisya na may nagaganap na operasyon ng drop ball sa Brgy. Calaccab kung saan ay kaagad naman na ikinasa ng PNP Angadanan ang pagsalakay sa lugar na nagresulta ng pagkakahuli ng tatlong suspek.


Nakuha sa pag-iingat ng tatlong operator ang isang piraso ng drop ball table, dalawang piraso ng ping pong ball at taya na perang nagkakahalaga ng Php3,034.00.

Nasa himpilan na ng PNP Angadanan ang tatlong operator ng drop ball para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments