3 opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office, tuluyan nang sinibak sa pwesto

Tuluyan nang idinismiss ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon sa serbisyo ang tatlong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.

Ito’y sina dating assistant district Engineer Brice Ericson Hernandez, Construction Section Chief Jaypee Mendoza, at accountant na si Juanito Mendoza.

Sa desisyong inilabas ng Kalihim ngayong Lunes, September 15, 2025, napatunayang guilty as charged ng Disloyalty to the Republic of the Philippines and to the Filipino People, Grave Misconduct, Gross Neglect in the Performance of Duty, and Conduct Prejudicial to the Interest of Service ang tatlo.

Ang dismissal sa mga nasabing indibidwal ay tugon sa utos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na panagutin sa lalong madaling panahon ang sinumang may direktang kinalaman sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ang mga sinibak sa serbisyo ay pinatawan din ng perpetual disqualification to hold public office o hindi na sila kailanman maaaring humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Base pa sa desisyon, ang parusang dismissal ay hiwalay pa sa mga kasong ihahain laban sa mga nabanggit na tatlong opisyal.

Facebook Comments