3 opisyal ng isang kompanya sa antique na sangkot sa investment scam, kinasuhan ng NBI

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong opisyal ng Growth Synergy Development (GSD) dahil sa pagkakasangkot nito sa investment scam sa Antique.

Kinilala ng NBI ang mga kinasuhan nila sa Antique Provincial Prosecutor’s Office na sina Jose Romel Chavez, Jose Dioric Chavez, at Annaliza Javier.

Ang respondets ay sinampahan ng kasong syndicated estafa, paglabag sa cybercrime prevention act of 2012 at paglabag sa securities regulation code.

Nabatid na kabilang sa mga natangayan ng pera ng mga suspek ang ilang mga estudyante at mga residente na naengganyo nilang mag-invest kapalit daw ng malaking interes pero walang nakabalik na pera sa mga biktima.

Facebook Comments