3 opisyal ng OJM, nanumpa na kay Chief Justice Gesmundo

Opisyal nang itinalaga ng Korte Suprema ang unang Deputy Marshals ng Office of the Judiciary Marshals (OJM).

Ang mga ito ang tutulong na panatilihin ang kapayapaan, seguridad, at proteksyon ng mga miyembro, opisyal, mga tauhan, at ari-arian ng Hudikatura.

Sina Retired Major General Joel Napoleon Coronel, retired Colonel Randy Remonte, at dating National Bureau of Investigation Officer-in-Charge Eric Distor ang magsisilbing Deputy Marshals para sa Luzon, Visayas at Mindanao at makakatuwang ni Chief Marshal Manuel Gaerlan.

Personal na nanumpa ang mga ito sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa SC Session Hall.

Nauna nang nanumpa si Gaerlan noong Marso.

Facebook Comments