3 pagsabog, ginulantang ang Lanao del Norte

Tatlong pagsabog ang naitala sa Lanao del Norte kahapon.

Naganap ang unang pagsabog alas-5:45 kahapon ng hapon sa harap ng isang gasolinahan sa bayan ng Lala.

Sinundan ito ng isa pang pagsabog sa likod ng municipal hall ng Kauswagan bandang alas-4:50.


Naitala naman ang ikatlong pagsabog sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo alas-10:10 kagabi.

Maswerte namang walang nasaktan sa mga nasabing pagsabog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake.

Sa kabila nito, hinikayat ni Joint Task Force Zampelan na si Major General Roseller Murillo na bumoto pa rin ang mga tao sa plebisito dahil titiyakin ng militar at pulisya ang kanilang seguridad.

Facebook Comments