3 paliparan sa Britanya, naantala matapos masira ang radar

Naantala ang mga flights sa tatlong paliparan sa Britanya matapos magkaproblema sa radar system sa bahagi ng Swanwick, Southern England.

Maging ang Heathrow at Gatwick Airport na tinaguriang busiest airport ay nakaranas din ng aberya.

Ayon sa National Air Traffic Services (NATS), ginagawan na nila ng paraan para tuluyang maibalik sa normal ang serbisyo sa nasabing paliparan.


Sinasabi na ang matinding init ng panahon sa Europa ang naging dahilan ng pagkasira sa radar system.

Facebook Comments