Tatlong pampublikong paaralan sa Maynila ang nakatakdang isailalim sa pagsasaayos.
Kabilang dito ang Dr. Alejandro Albert Elementary School, Rosauro Almario Elementary School, at Manila Science High School.
Ito ay nakapaloob sa ₱10 billion na loan agreement ng Manila Local Government Unit (LGU) sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Kasama rin sa popondohang proyekto ang tatlong residential buildings partikular ang Pedro Gil Residences, San Lazaro Residences, at San Sebastian Residences.
Karagdagan ang mga ito sa nagpapatuloy na housing development projects ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ang ₱10 billion loan na ito sa DBP ay karagdagan sa ₱5 billion na unang inutang ng Manila LGU sa nasabing bangko.
Facebook Comments