3 pang Chinese nationals, arestado sa pag-ooperate ng prostitution den sa Makati City

Arestado ang tatlong Chinese nationals matapos salakayin ng Makati City police ang ikawalong palapag ng JKL building, na sinasabing isang prostitutionden sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhang Yong, 48 years old, Lai Jin Cheng Yuan, 29 yrs old at Yin Yuan Sheng, 33 yrs old na pawang Chinese nationals.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek matapos magsumbong ang isang babaeng informer na si Ginang Susan Lim hinggil sa aktibidad ng mga dayuhan.


Ayon kay Police Major Gideon Inis ng Makati Police, tinangka pang suhulan ng mga suspek ang mga pulis ng P100,000 kapalit ng hindi paghuli sa kanila.

Facebook Comments