3 pang kalapit-bansa ng Pilipinas, nakapagtala na rin ng kaso ng Omicron variant

58

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may 3 pang kalapit-bansa ng Pilipinas ang may natukoy nang mga kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, kabilang dito ang Singapore, Thailand at Malaysia.

Kinumpirma rin ni Vergeire na umakyat na sa 63 mga bansa at teritoryo ang nakapagtala na rin ng kaso ng Omicron variant.


Kabilang sa mga huling napasama sa listahan na may Omicron variant ang Russia, Chile, Sri Lanka, Maldives at Sierra Leone.

Facebook Comments