3 pang ni-repatriate na crew ng M/V Diamond Princess na nakitaan ng sintomas ng COVID-19, nag-negatibo sa pagsusuri

Nagnegatibo na rin sa Corona Virus Disease o COVID-19 ang tatlong sinuring pasyente sa New Clark City sa Tarlac makaraang makitaan ng sintomas ng sakit.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, ang tatlong pasyente ay ang kabilang sa labing tatlong sinuri.

Ang sampu sa mga ito ay nauna nang nagnegatibo sa COVID-19 matapos na masuri ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM.


Ang mga pasyente ay mga Pilipinong na-repatriate mula sa Japan o mga crew ng M/V Diamond Princess.

Dahil sa negatibo na ang huling tatlong pasyente, sinabi ni Duque na wala nang nakabinbing test results para sa mga tao sa New Clark City na nagpakita ng sintomas ng COVID-19.

Patuloy naman ang monitoring ng DOH sa iba pang mga repatriate na nasa Athletes Village, hanggang sa matapos ang 14-day quarantine sa kanila.

Facebook Comments