3 pang sundalo na nasawi sa C-130 plane crash, nakilala na

Tatlo lang sundalo na nasawi sa pagbagsak ng C-130 noong nakaraang buwan sa Sulu ang natukoy na ng militar.

Kinilala ang mga ito na sina Philippine Army (PA) personnel Corporal Jerome Balivado, Private Joey Loterte, and Private Kevin Damole.

Nakipag-ugnayan na ang Western Mindanao Command sa mga pamilya ng tatlong sundalo at inaayos na ang pagbiyahe sa labi ng mga ito.


Hulyo 4 nang mangyari ang plane crash kung saan 50 sundalo at tatlong sibilyan ang namatay.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 13 bangkay.

Facebook Comments