3 pang “undetermined wounds”, susuriin ng PAO sa labi ng driver-bodyguard ni ex-Cong. Glenn Chong

Manila, Philippines – May tatlo pang sugat na susuriin ang Pubic Attorney’s Office forensic team sa labi ni Richard Santillan, ang pinatay na driver-bodyguard ni Dating Cong. Glenn Chong.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng PAO Forensic Team, masusi nilang pag-aaralan ang tatlong undetermined wounds ni Santillan.

Kinumpirma rin ni Dr. Erfe na nagsumite na sila sa Malakanyang ng preliminary report sa kanilang autopsy sa labi ni Santillan.


Una nang kinumpirma ni Erfe na pinahirapan muna si Santillan bago ito pinatay kung saan pinalabas na shootout ang nangyari.

Una na ring dumulog sa Public Attorney’s Office ang maybahay ni Santillan para hilingin na pao ang humawak sa kasong isasampa nila laban sa mga pulis na nasa likod ng krimen.

Facebook Comments