3 panibagong kaso na may kinalaman sa Dengvaxia controversy, isinampa sa DOJ

Manila, Philippines – Ang tatlong bagong reklamo ay may kinalaman sa pagkamatay ng mga batang sina Aldrid Aberia, Analisa Silverio at Mikaela Mainit na pawang nabakunahan ng Dengvaxia.

Kasabay ng paghahain ng Public Attorney’s Office, tatlong panibagong kaso, nagtipon-tipon sa labas ng DOJ ang mga magulang ng iba pang batang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia.

Hiniling nila sa DOJ na madaliin ang pagresolba sa mga naunang kaso na isinampa ng pao kaugnay ng Dengvaxia vaccination program ng Department of Health.


Itinuloy din kanina ng DOJ ang pagdinig sa third batch ng Dengvaxia cases

Isinumite rin ng PAO sa DOJ ang kopya ng resolusyon ng food and drugs administration na nagbabawi sa certificate of product registration ng Dengvaxia.

Facebook Comments