Kinumpirma ng Department of Health o DOH na mayroong silang mino-monitor na tatlong posibleng bagong kaso ng polio.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na ang tatlong suspected polio cases ay sa Mindanao region.
Sa ngayon, sinabi ni Domingo na batay sa pinakahuling datos ng DOH ay nasa apat ang confirmed cases ng polio sa buong bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Domingo na tuloy-tuloy ang immunization program ng DOH, hindi lamang sa Mindanao kung saan may mga kumpirmadong kaso ng polio, kundi sa iba pang bahagi ng Pilipinas.
Ang target aniya ng round 2 ng immunization o Sabayang Patak Kontra Polio ay ang buong Mindanao at National Capital Region o NCR.
Muli namang umapela si Domingo sa publiko, lalo na sa mga magulang, na isaalang-alang ang kahalagahan ng bakuna para sa polio o oral polio vaccine upang maiwasan ang naturang sakit.