3 panukala, pinaaaprubahan na para mapigilan ang patuloy na oil price hike kasunod ng drone attack sa oil facility sa Saudi

Pinamamadali na ng Bayan Muna sa Kamara ang pagapruba sa tatlong panukalang batas na makakatulong para mapigilan ang epekto ng oil price hike kasunod ng drone attack sa oil facility sa Saudi.

Giit nila Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, makakatulong ang House Bills 244, 4711 at 4712 na pababain ang presyo ng produktong petrolyo at langis.

Layunin ng mga panukala na i-regulate at ibalik sa kontrol ng gobyerno ang oil industry, i-centralized ang procurement ng langis at kunin muli ng pamahalaan ang pangangasiwa sa Petron.


Ayon kay Zarate, 95% ng petrolyo at langis ng bansa ay imported at kontrolado pa ng mga korporasyon na siya ring nagdidikta sa oil exploration, exploitation, refining, retailing, at kahit re-exportation ng langis na mismong galing sa bansa.

Dagdag pa ng mga kongresista, maski wala pa ang pagatake sa Saudi ay mataas na ang presyuhan ng langis sa bansa dahil kontrolado ang mga ito ng monopolya ng mga oil corporations.

Facebook Comments