Tiwala si dating Senate President Juan Miguel Zubiri na makatutulong sa pagresolba sa mga pangunahing problema ng taumbayan ang tatlong (3) prayoridad na panukala na niratipikahan noong nakaraang linggo bago ang sine die adjournment ng 2nd regular session ng 19th Congress.
Niratipikahan na sa Senado ang Senate Bill No. 2593 o ang New Government Procurement Act (NGPA), Senate Bill No. 2221 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers, at Senate Bill No. 2432 o ang Agricultural Economic Sabotage Act.
Layunin ng mga nabanggit na panukala na masawata ang korapsiyon, mapigilan ang smuggling ng mga produktong agrikultural at protektahan ang karapatan ng mga Pinoy seafarer.
Kumpiyansa si Zubiri na oras na maging ganap na batas ang panukalang ay magiging tugon ito sa pinakaalalahanin ng mga Pilipino.
Dagdag pa ng senador, tulad ng kanyang naunang ipinangako kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay iprinayoridad nila ang agad na pagpapasa sa mga panukala at nagawa naman nila ito.