Gumana ang tatlong approach na ipinatupad ng Joint Task Force COVID Shield para mabawasan ang mga lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ito ang sinabi ni JTF COVID Shield Commander Lt Gen Guillermo Eleazar dahil sa pagbaba ng bilang ng mga ECQ violators nationwide.
Aniya mula sa average na 3,800 violators mula March 17 hanggang April 23 bumaba na sa 1,574 ang ECQ violators nationwide ito ay mula April 24 hanggang May 3.
Paliwanag ng opisyal epektibo ang kanilang tatlong approach una ay ang mahigpit na pagbabantay sa mga quarantine control points at Dedicated Control Points para sa mga cargo vehicles.
Pangalawa ay ang pag-deploy ng mas maraming mga pulis at sundalo sa mga komunidad lalo na sa mga lugar katulad ng palengke para mahigpit na maipatupad ang social distancing.
Pangatlo ay ang pagde-deploy ng HPG personnel at nagsasagawa ng random mobile checkpoints sa Metro Manila at iba pang Urban areas para mahuli ang mga privtae vehicle na lumalabag sa home quarantine at physical distancing.