3 Pasahero, Sugatan sa Salpukan ng Tricycle at Sasakyan!

221

*San Manuel, Isabela- *Sugatan ang tatlong pasahero ng tricycle matapos mabangga ng sasakyan sa pambansang lansangan ng Brgy. District 3, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Lapitan, 74 anyos, Danilo Sadural, 66 anyos, at si Deomedes Abesamis, 78 anyos, habang ang driver ng tricycle ay si Danilo Calamcam, pawang mga residente ng Brgy. Dist 2, San Manuel, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, habang papasok sa pambansang lansangan ng Brgy. District 3 ang tricycle ay aksidente itong nabangga ng paparating na Isuzu Elf Truck na minamaneho ni Dennis Bartolome, 37 anyos, residente ng Brgy. Rizal, Santiago City.

Tumilapon sa daan ang tatlong pasahero at dinala sa pagamutan habang hindi naman gaanong nasugatan ang dalawang driver ng sasakyan.

Dinala sa himpilan ng PNP San Manuel, Isabela ang dalawang tsuper at behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments