3 pasaherong nasiraan ng bangka sa kasagsagan ng Bagyong Lanie sa karagatan ng Zambales, nasagip na

Nasagip na ng Philippine Philippine Coast Guard ang tatlong pasaherong nasiraan ng bansa sa karagatan ng Capones Island, San Antonio, Zambales.

Ito ay matapos magkaroon ng problema ang kanilang motorbanca na dapat sana’y pabalik na ng Noveleta, Cavite mula Mariveles, Bataan dahil tinangay na ito ng alon bunsod ng Bagyong Lanie.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng Search and Rescue (SAR) operations sa baybayin ng ilang lugar sa Cavite.


Kinilala ang tatlong pasahero na sina Joey Lescano,38; Jessabel Semella, 29; at Jhon Larence Reyes , 16 na pawang nakatira sa Barangay 7, Cavite City at kasalukuyan nang nasa maayos na sitwasyon.

Facebook Comments