3 Pasyente na Itinuturing na PUI dahil sa nCoV, Nakalabas na ng Ospital!

Cauayan City, Isabela- Na-discharge na kahapon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang tatlong (3) itinuturing na β€˜person under investigation’ (PUI) kaugnay sa sakit na novel Coronavirus na naunang na-admit sa naturang ospital nitong mga nakaraang Linggo.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, regional director ng CVMC, pinalabas na ng ospital ang 3 na PUI matapos magnegatibo sa nCoV ang kanilang specimen sa isinagawang labtest mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Isa aniya ay taga bayan ng Enrile, Cagayan habang ang dalawa ang taga Tuguegarao City.


Ayon pa kay Dr. Baggao, mayroon pang tatlo (3) na kasalukuyang binabantayan at naka isolate sa kanilang ospital.

Nilinaw naman nito na wala pang kumpirmadong kaso ng novel Coronavirus sa Region 2 lalo na sa CVMC.

Facebook Comments