3 Patay, 14 sugatan sa salpukan ng Van at dump truck sa Agusan del Sur

Tatlo ang patay habang 14 ang sugatan matapos magsalpukan ang pampasaherong Van at dump truck kahapon sa Brgy. Libertad bayan ng Bunawan Agusan del Sur.

Dead on the spot ang dalawang pasahero na sina Jhonmark Marquez, residente ng Poblacion, Prosperidad, Agusan del Sur at Romeo Agris, 66; naninirahan sa Purok 2, Brgy. Libertad, Bunawan sa nasabing probinsya. Dead on arrival naman sa hospital ang driver ng van na si Cocoy Cabana, 42 – anyos.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga sugatan upang lapatan ng lunas.


Ayon kay PO2 Peter Obien, Traffic Investigator ng Bunawan MPS, nag-overtake sa single motor ang UV Express Service Van na papuntang San Francisco, Agusan del Sur subalit bumangga ito sa nakasalubong na dump truck na patungong Trento, Agusan del Sur.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga parehong nawasak ang unang bahagi ng van at dump truck.
Ang driver ng truck na si Junrey Durado ay nasa kustudiya na ng Bunawan MPS.

Facebook Comments