3 patay, 6 sugatan sa pamamaril sa Rizal

Teresa, Rizal – Patay ang tatlong katao habang anim ang sugatan sa pamamaril sa Carissa Homes East 1 sa Barangay Bagumbayan sa Teresa, Rizal.

Ayon sa Teresa Municipal Police Station, bigla na lang namaril ang suspek na kinilalang si John Albert Araojo na ikinasawi nina Ruben Francisco, Wilfredo Lukban at Celso Bernales.

Nasugatan naman sa pamamaril ang anim na iba pa kasama ang rumespondeng mga pulis na sina PO3 Emillano Pantaleon at PO1 Eleuterio Mina.


Matapos ang pamamaril, tumakas si Araojo patungong Morong gamit ang tinangay niyang motorsiklo.

Patuloy siyang pinaghahanap ng mga tinutugis ng mga awtoridad at inaalam ang motibo nito sa pamamaril.

Facebook Comments