3 patay 9 wounded sa VA sa North Cotabato

Patay ang tatlong indibidwal habang sugatan ang 9 na iba pa matapos mainvolved sa vehicular accident ang tatlong vehicles na kinabibilangan ng Elf Truck, Hilux at Tricycle sa Brgy. Kilada Matalam, North Cotabato pasado ala una kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edelbert Gawat,40,tricycle driver ,Veronica Gawat,66,kapwa mga residente ng Pigcawayan Cotabato at Yhasser Kinala,15,taga Brgy Banawag Kabacan Cotabato.

Sugatan naman sina Charlene Gawat,38,taga Brgy Banawag Kabacan, Hasim Kinala,24,Haron Kinala,19 at Esmail Mohammed,21,taga Pigcawayan North Cotabato na mga sakay ng truck


Sugatan rin ang mga sakay ng Toyota Hilux na kinilalang sina sina Ridznul Tandih,34,driver, Randy Misil,36,Bakil Jundan,45,Salip Allahibar,25 at Salip Hieber,33,mga residente ng Zamboanga City.

Sa inisyal na impormasyon mula Matalam MPS , nawalan ng control ang nagmamaneho ng Hilux at diretsong sumalpok sa kasalubong na tricycle at Elf Truck. Sinasabing nagmumula pa sa Zamboanga City ang Hilux patungo ng Davao City.

Facebook Comments