3-patay dahil sa riot

292

General Santos City—patuloy pang pinaghahanap ngayon ng Police Station 5 (Tambler Police Station) ang mga responsabling suspek ng pagpatay ng tatlong biktima kung saan suspek ng nasabing krimen ay pinaniniwalaang miyembro ng Children In Conflict With The Law (CICL) o mas kilala sa tawag na “BATANG SUKARAP”.

Alas 11:00 ng gabi noong sabado nang napatay ang tatlong biktima sina Alias Raymark, 15, Alias Josilito, 16, mag-aaral at Christian Tamiongon, 19, parehong residenti ng Barangay Calumpang sa nangyaring Riot sa Prk. Green Vill., Barangay Calumpang, Gensan.


Sa initial Investigation ng Police Station 5, napag-alaman na nag inuman ang mga suspek sa nasabing lugar., kanilang pinasok ang isang internet cafe dahil narin mayroon silang hinahanap na miyembro din ng grupong Sukarap.

Doon na nang yari ang riot na naging dahilan ng pagkamatay ng tatlong biktima matapos nasaksak at nabaril ng mga suspek.

Facebook Comments